MEGA JOBS FAIR SA DAGUPAN CITY, DINAGSA

Idol Ella Garcia | 104.7 IFM DAGUPAN

Dumagsa ang mga naghahanap ng trabaho sa mega jobs fair na isinagawa ng Public Employment Service Office ng Dagupan City sa unang araw ng Oktubre sa CSI City Mall Atrium.
Maaga pa lamang pumila na ang mga aplikante upang makipagsalaran sa paghahanap ng trabaho. Pasado 9:00 ng umaga ng simulan ang Mega Jobs Fair.
Aabot sa 20 Local Companies at dalawang overseas ang nakilahok sa naturang Jobs Fair.

Ilan sa mga hinahanap ng mga ito ay customers service representatives, production division staff, operators staff, cashier, service crew, merchandisers, technicians, nurse, factory worker at marami pang iba.
Nakiisa din ang TESDA, OWWA, DTI at POEA na nagbigay ng assistance sa mga aplikante. | ifmnews
Facebook Comments