Dagdag-pasahe sa ilang public transpo, epektibo na bukas

99

Epektibo na simula bukas, Oktubre 3, ang bagong minimum fare sa pampasaherong jeep at ilan pang uri ng pampublikong sasakyan.

Kaugnay nito, ₱12 na ang minimum na pasahe sa traditional public utility jeepneys habang ₱14 sa modern public utility jeepneys.

Onse pesos naman ang magiging minimum fare sa ordinary provincial buses; ₱13 sa ordinary city buses at ₱15 sa air-conditioned city buses.


Habang ₱35 hanggang ₱45 ang bagong flag down rate para sa mga taxi at TNVS.

September 16 nang ianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inaprubahan nito ang ₱1 taas-pasahe sa jeep; ₱2 sa city at provincial buses at ₱5 sa mga taxi at TNVS.

Hindi pa naaaksyunan sa ngayon ng LTFRB ang hirit na dagdag-pasahe ng UV Express.



Facebook Comments