MEGA STAR SHARON CUNETA, SINAGOT ANG KOMENTO NG ISANG NETIZEN HINGIL SA KANIYANG LARAWAN

Deretsahang sinagot ni Megastar Sharon Cuneta ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang dibdib kung saan ipinagdiinan ng award-winning singer-actress at TV host na tunay na tunay at hindi fake ang kanyang boobs dahil feeling kasi ng isang netizen, nagpadagdag ng dibdib ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan matapos makita ang dati niyang litrato kung saan super payat pa ng Megastar.

Ang nasabing komento ay makikita sa post ng isang Sharonian na may caption na, “Mula noon hanggang ngayon walang kupas parin ang ganda ng nag iisang MEGA STAR “We Love You Ma, Sharon”, at dito na nga nagkomento ang netizen na bakit tila lumaki daw ang boobs nito.

Sinagot naman ito ng nag-iisang Megastar at sinabing totoo ang kanyang boobs at hindi niya ito ipinaretoke, dagdag pa nito na tatlong baby na raw ang binuhay ng kanyang dibdib na ang tinutukoy ay ang mga anak niyang sina KC Concepcion, Frankie at Miel Pangilinan.


Facebook Comments