Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, trending sa mala-Priyanka Chopra look nito

Pinahanga ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang publiko matapos niyang tila gayahin ang istilo ni Miss World 2000 Priyanka Chopra sa kaniyang gorgeous red dress.

Sa Instagram post ng beauty queen ngayong araw, ibinahagi nito ang paborito niyang layout shoot kung saan makikita ang kaniyang fierce look ka-partner ang red lipstick at killer dress.

Pinuri naman ng designer ni Rabiya na si Mikee Andrei ang beauty queen at sinabing tila maituturing na itong queen dahil sa paggaya nito kay Priyanka.


Sa ngayon, nasa United States na si Rabiya bilang paghahanda sa Grand Coronation night ng Miss Universe 2021 na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Facebook Comments