Megastar Sharon Cuneta, bumuwelta sa mga DDS

435

May buwelta ang aktres at singer na si Sharon Cuneta sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng mga tinaguriang Die Hard Duterte Supporters o DDS.

Sa kaniyang latest YouTube vlog, sinabi ni Shawie na masahol pa ang mga ito sa COVID-19 dahil walang gamot sa kanila, may sakit aniya sa kaluluwa at walang puso.


Dagdag pa ng megastar, ipinagpasa-Diyos na lamang niya ang kaniyang mga basher na kailan lang nagsimulang manggulo simula nang magalit ito sa kasamahan nilang si Sonny Alcos.

Matatandaang si Alcos ang nagbanta sa kaniyang anak na si Frankie Pangilinan na gagahasain niya ito na ngayon ay napatawad na ng aktres

Facebook Comments