Megastar Sharon Cuneta, kinumpirmang magreretiro na!

150
Photo Courtesy: MEGA

Matapos ang mahigit apat na dekada, inihayag ngayon ni Megastar Sharon Cuneta na malapit na siyang magretiro sa entertainment industry.

Sa kanyang Instagram post, isang picture ang ibinahagi ng batikang aktres sa kanyang  fans na nagpapakita na pagod na siya.

May caption itong: “Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!”

Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Pahayag ng singer/actress, sa loob ng 41-years na pagtatrabaho, napagod na siya kaya kailangan na niyang magpahinga at i-enjoy ang kanyang private life.

September last year, una na ring sinabi ni Sharon na ikinokonsidera na niya ang “semi-retirement” sa Showbiz industry.

Facebook Comments