Megastar Sharon Cuneta, nadismaya sa mga bayarang celebrities na nagpapakalat ng fake news

42

Nagpahayag ng pagkadismaya si Megastar Sharon Cuneta para sa mga bayarang celebrities na nagpapakalat ng fake news.

Nang tanungin kasi ito kung ano ang reaksyon niya tungkol sa mga celebrities at ibang social media influencers na nagpapabayad para gamitin sa pagpapakalat ng fake news, ay dito na naging seryoso si Sharon.


Paliwanag nito, ikinahihiya niya na may mga ganoon pa ring mga artista.

Never din aniya siyang nagpabayad kung saan ganito rin ang ginagawa niya sa mga product endorsements na tinatanggap niya.

Sa ngayon, nanindigan pa si Sharon na bagama’t mahirap, mas mabuti pa ring respetuhin ang sarili dahil maituturing na despicable at unacceptable ang ganoong mga gawain.

Facebook Comments