Public interview sa mga aspirante sa Chief Justice post, itinakda na sa March 10

39

Itinakda na ng Judicial and Bar Council sa March 10 ang public interview sa mga aplikante sa Chief Justice post.

Kaugnay ito ng early retirement ni Chief Justice Diosdado Peralta sa darating na March 27.


Kinumpirma naman ni Atty. Brian Keith Hosaka na sa 5 most senior justices ng Korte Suprema, 3 lamang ang nakapagsumite ng documentary requirements.

Ito ay sina Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, Associate Justice Alexander Gesmundo at Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Hindi naman mabatid kung bakit hindi nagsumite ng kanilang requirements sina Justice Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Sa ilalim ng JBC rules, otomatikong kasama sa mga aspirante sa Chief Justice position ang 5 most senior justice ng Korte Suprema.



Facebook Comments