MEGAWORLD MAGTATAYO NG KANILANG NEGOSYO SA 84-EKTARYANG LUPAIN SA ILOCOS NORTE

iFM News Laoag – Magtatayo ang premiere company ng bansa na Megaworld sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ito ang sinabi ni 45 year-old billionaire at business tycoon na si Kevin Andrew Tan na tumatayong Executive Director ng Megaworld.

Magtatayo ang kanilang kumpanya ng isang township o konsepto isang bayan na ituturing na “Ilocandia Coastown,” at ito na ang ika-34 na township development project nila.


Aabot sa 84-ektaryang mula beachfront ang lawak ng nasabing proyekto na magkakaroon din ito ng konsepto sa Filipino-Spanish na pamana ng rehiyon. Mula sa makintab na buhangin hanggang sa malinis nitong baybayin, ang Ilocandia Coastown ay idinisenyo upang mag-alok ng isang maayos, marangyang pamumuhay, komersiyo, at turismo, lahat ay naglalayong itaguyod ang napapanatiling paglago ng ekonomiya sa rehiyon.

Ayun pa sa facebook post ng tanyag na negosyante, marami daw itong nakikitang potensyal lalo na sa turismo, at inaasahan nitong mabuksan ang mga pagkakataong ito sa pamamagitan ng pag-unlad ng kanilang negosyo sa kabesera ng Laoag, Lalawigan ng Ilocos Norte.

Tinatayang aabot sa P15-bilyon ang investment sa pagpapaganda ng Ilocandia Coastown, at mararamdaman ng mga Ilocano at mga bisita ang kanilang signature Live-Work-Play lifestyle concept ng Megaworld sa Northern Luzon.

Masaya din itong binahagi sa publiko ni Governor Matthew Manotoc at anya isa itong indikasyun na patuloy na umuunlad na ngayon ang lalawigan ng Ilocos Norte na pinaniniwalaang napag-iwanan na ng panahon. | via Bernard Ver @ RMN News

Facebook Comments