Mekaniko, Huli sa Pagtutulak ng Droga!

*Tumauini, Isabela- *Hindi na nakapalag sa kamay ng mga otoridad ang isang mekaniko matapos matiklo sa pagtutulak ng droga sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Michael Esteban, 23 anyos, at residente ng Sta. Victoria, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, matagumpay na naaresto si Esteban sa isang Drug Buy Bust Operation nang mabentahan ng dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer sa halagang limang daang piso.


Dinala na sa PNP Tumauini, Isabela ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang sampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments