Mekanismo para mapanagot ang mga tiwaling miyembro ng PNP, dapat malikha – PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangang magkaroon ng sistema o mekanismo para sa accountability ng mga pulis na lugmok sa iba’t ibang temptasyon dahilan para maging tiwali ang ilan sa mga ito.

Ayon sa pangulo, kailangang mabuwag o mawakasan na ang pagkakasangkot ng ilang miyembro ng pulisya sa mga tiwaling gawain at importanteng maipatupad dito ang accountability.

Umaapela rin ang pangulo sa mga miyembro ng Pambansang Pulisya na makipagtulungan sa kanyang administrasyon lalo na’t obligasyon niyang matiyak na tumatakbo ang police force ng bansa ng may buong kredibilidad.


Ang apela ay ginawa ng pangulo sa gitna ng kanyang mandato na tugunan ang problema sa droga ng bansa.

Kamakalawa ay napag-usapan sa ipinatawag na Joint National Peace and Order Council – Regional Peace and Order Council meeting ang problema sa peace and order, pagtaas ng political violence at mga karahasang nangyayari dahil sa kumpetisyon sa pagitan ng iba’t ibang drug syndicates.

Facebook Comments