Melchor Abrazado, Naglaho na Parang Bula: Tinangay na 3.4 M Pambunos ng mga Empleyado sa Tinambac, Maibabalik Pa Kaya?

Umaasa pa rin ngayon ang pamahalaang Lokal ng Tinambac na magpakita na si Melchor Abrazado at maibalik nito ang tinangay na perang nagkakahalaga ng mahigit 3.4 million pesos. Ang nasabing halaga ay pang-bonus sana ng mga kawani ng LGU-Tinambac.

Magugunitang nitong nakaraang linggo, pumunta sa Land Bank – General Luna Branch sa Naga City upang mag-withdraw ng pera sina Ma. Theresa Hermogenio-Betito, Incharge ng Tinambac Office of the Treasury, Dedina Ariola Ortiz, Administrative Officer 4, Felipe Madrona, Jr. at Melchor Abrazado, pawng mga empleyado ng pamahalaang local ng Tinambac.

Matapos ma-release ang pera na nakalagay sa backpack, pinagkatiwala umano ito ni Betito sa kasama niyang si Abrazado. Pagkatanggap ni abrazado ng nasabing backpack, sinabi niyang “maluwas na ako, apodon ko lang si driver” (lalabas muna ako, tawagin ko lang yong driver)… Hindi akalain ni Betito na yon na pala ang huling pagkakataon na pagkatiwalaan niya si Abrazado. Hindi na niya muling nakita ni anino ni Abrazado paglabas ng banko.


Tinangay ng suspek ang nasa 3.4 million pesos na pambunos sana ng mga LGU employees ng Tinambac.

Nagpasa na rin ng resolution ang SB Tinambac na maglaan ng 200,000 pesos na pabuya sa makakapagturo para madakip si Abrazado, kasabay ng panawagan at pakiusap ni Mayor Tuy sa suspect na lumantad at pumunta sa kanyang opisina para pag-usapan ang suliranin nito.

Sa pinakahuling panayam ni RMN DWNX RadyoMaN Manny Basa kay PO2 Mark Anthony Cledera ng NCPO Precint 2, imbestigador ng naturang kaso, patuloy ang kanilang pag-iimbestiga upang makakuha ng lead kaugnay ng kinaroroonan ng suspect na si Melchor Abrazado. Nanatiling bukas rin ang linya ng pulisya sa opisina ni Mayor Tuy ng Tinambac para mabilis na magawaan ng hakbang ang anumang development tungkol sa kasong ito.

Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!

Facebook Comments