MEMBERSHIP | OFW ID, inilunsad ng OWWA

Manila, Philippines – Inilunsad ng Overseas Welfare Administration (OWWA) ang bagong identification card para sa mga Overseas Filipino Worker na kapalit ng i-DOLE OFW ID.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, ang OFW e-card ay libre at magsisilbing membership at Overseas Employment Certificate o OEC ng mga OFW.

Aniya, ang OEC ang isa sa mga dokumentong kailangan ng mga Filipino na nais magtrabaho sa ibang bansa.


Layon ng e-crad na mas magiging mabilis at madali na makakakuha ng serbisyo at programa ng OWWA ang mga OFW.

Sa pamamagitan rin ng e-crad ay hindi na sisingilin ng airport fees ang mga OFW.

Pinapayuhan ang mga OWWA member na bisitahin ang website ng ahensiya na www.owwa.gov.ph kung papaano makukuha ang kanilang OFW e-card nang libre.

Facebook Comments