Walang katotohanan na itinaas sa full alert ang status ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw dahil sa umano’y destabilization plot sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, inaalam na ng Pambansang Pulisya kung sino ang pinagmulan ng nasabing memo.
Paalala ni Fajardo sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat sa social media lalo na’t hindi kumpirmado ang source.
Paliwanag nito, naka-heightened alert ang buong PNP dahil sa Pista ng Itim na Nazareno at dahil sa patuloy na pag-uwi o pagbabalik sa Metro Manila ng ating mga kababayan na nagbakasyon sa mga lalawigan nitong nagdaang holiday season.
Dagdag pa nito, dahil naka-heightened alert ang Pambansang Pulisya, mayroong nakakalat na mga checkpoint at nagpapatupad sila ng maximum police security coverage.
Kasunod nito, sinabi ng opisyal na nananatiling manageable ang peace and order situation sa bansa partikular na dito sa Kalakhang Maynila.