NTC at mga telco, dapat mag-upgrade ng sistema para sa registration ng SIM cards

Umapela si Kabayan Party-list Rep Ron Salo sa National Telecommunications Commission (NTC) at telecommunication companies na mag-double time para mapabilis at mapahusay ang kanilang sistema.

Panawagan ito ni Salo upang hindi na maulit ang mga reklamo sa pagsisimula ng pagpaparehistro ng SIM noong Disyembre alinsunod sa Republic Act 11934 o SIM Registration Law.

Sabi ni Salo, pwede ring palawigin ang 180-day registration period kung kinakailangan lalo na kung magkakaroon ng aberya ang sistema ng mga telco.


Pinuri naman ni Salo ang ating mga kababayan na agad tumatalima sa batas kahit may 180-day period o hanggang Abril pa ang SIM registration.

Facebook Comments