Memorandum circular na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno at LGU na suportahan ang mga inisyatibo ng pamahalaan na pagtatayo ng health facilities, inilabas ng Palasyo

Naglabas ng Memorandum Circular No. 26 ang Palasyo ng Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na naglalayong i-adopt ang Philippine Health Facility Development Plan 2020- 2040.

Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), partikular na nakapaloob sa memorandum circular ay ang direktiba at paghikayat sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno at Local Government Units (LGU) na suportahan ang mga inisyatibo ng pamahalaan na pagtatayo ng health facilities sa bansa.

Nakapaloob din sa memorandum circular na inuutusan ang Department of Health (DOH), sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pangunahan ang pagpapakalat ng kautusang ito para sa epektibong pagpapatupad ng Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040 maging sa local level.


Ayon sa PCO, ang Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040 ay ginawa ng DOH upang magsilbing kabuuang stratehiya ng bansa para sa infrastracture at medical investment na titiyak sa pagkakaroon ng magandang health care system sa bansa na nakabatay sa RA No. 11223 o ang Universal Health Care Act of 2019.

Facebook Comments