Pagsuporta at pagprotekta sa sovereign rights at territorial integrity ng bansa, ipinagpasalamat ng DFA kay PBBM

Pinasalamatan ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa suportang ibinigay nito at pagtatanggol sa ating sovereign rights at territorial integrity ng Pilipinas.

Ayon kay DFA Undersecretary Antonio Morales, maganda umanong indikasyon ang suporta sa pagdepensa ng ating soberanya at ng ating teritoryo na malugod na ikinatuwa ng kanilang ahensya.

Samantala, sinabi rin ng DFA na patuloy na ipaglalaban ng kagawaran na protektahan ang teritoryo Pilipinas.


Facebook Comments