Manila, Philippines – Nagkasundo na ang Pilipinas at Kuwait kaugnay ng
Memorandum of Understanding (MOU) para sa proteksyon ng mga Overseas
Filipino Worker.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, pumayag na ang Kuwait na gawing
akma sa batas ng Pilipinas ang employment contract ng mga OFW.
Aniya, itatakda na nila ang paglagda sa kasunduan sa loob ng dalawang
linggo na posibleng gawin sa Kuwait.
Kasama sa mga napagkasunduan ang hindi pagkukumpiska sa passport at
cellphone ng OFW habang sa bangko na ihuhulog ang sweldo ng Pinoy worker na
may minimum na $400 dollars o P20,000.
Nauna nang sinabi ni Bello na kahit malagdaan ang MOU, walang katiyakan
kung babawiin ng Pilipinas ang deployment ban sa mga household workers
patungo ng Kuwait.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>