NAGKASAGIAN | Ejay Falcon, nag-sorry sa driver na kaniyang nakabanggaan

34

Manila, Philippines – Humingi ng sorry ang aktor na si Ejay Falcon sa
driver ng nakabanggaan niyang sasakyan sa Pililia, Rizal.

Ayon sa aktor, tulog siya nang mangyari ang aksidente at ang driver niya
ang nakabangga.

Batay sa salsay ng biktimang si Reyes, isang konsehal sa Tanay, Rizal,
gumewang pakaliwa ang van at sumadsad sa gilid ng kaniyang kotse.

Aniya, nayupi ang pinto, tumilapon ang side mirror, at nabasag ang bintana
ng kotse niya.

Patuloy naman ang pag-uusap ng magkabilang partido para sa kaukulang danyos.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments