Memorandum sa pagsusuot ng body-worn cameras, inilabas na ng PNP

Naglabas na ng memorandum ang Philippine National Police (PNP) para sa pagsusuot ng body-worn cameras (BWCs) habang nagbibigay ng search at arrest warrant alinsunod sa kautusang ibinaba ng Korte Suprema.

Batay sa memorandum na ibinaba sa mga police regional director at head ng National Operational Support Units kung saan kabilang ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG), dapat buksan ang mga BWC at ARD sa oras na marating ng mga police personnel ang lugar kung saan ibibigay ang mga warrant.

Kung walang BWC, dapat na mayroong dalawang alternative recording devices (ARDs) na maaaring magamit para masiguro ang malinaw na pagsasagawa ng mga operasyon.


Maituturing naman itong milestone for transparency sa karapatang pantao sa gitna ng mga alegasyong extra-judicial killings na nagaganap sa gitna ng operasyon ng PNP.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, partikular sa mga protocol ng memorandum na ito ang hindi pagpatay sa mga BWC at ARD habang nasa gitna ng operasyon, may warrant man o wala.

Kung mayroon mang maganap na pag-aresto nang walang warrant, gagamitin pa rin ang BWC at ARD.

Facebook Comments