Memorial Service Sa Korean National Na Si Jee Ick Joo, Sinimulan Na

5

Sinimulan na ang memorial service para sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Kampo Crame. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng Korean embassy at ilang Korean nationals. Dito ay nag-alay ng isang awitin para kay Jee, kung saan nag-alay din ng ilang sandali ng katahimikan. Nagkaroon din ng necrological service para kay Jee. Bukas sa publiko ang nasabing memorial service. Samantala, maglalagay din ng condolence book at magsasagawa ng munting memorial service para kay Jee hanggang Pebrero 13.

Facebook Comments