Ndf, Pumalag Sa Pagtawag Na “Terorista” Ni Pangulong Duterte Sa Kanilang Grupo

5

Pumalag ang NDFP o National Democratic Front of the Philippines sa bansag na “terorista” sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Fidel Agcaoili, Chief Negotiator ng NDFP Peace Panel, hindi naman naghahasik ng lagim ang NPA o New People’s Army hindi tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf at Maute Group. Hindi rin aniya sila ang unang lumabag sa idineklarang unilateral ceasefire tulad ng paratang ng militar. Sa kabila nito, tiniyak ni Agcaoili na nananatili silang bukas sa pakikipag-usap sa pamahalaan. Gayunman, kung magmamatigas aniya ang gobyerno sa pag-urong nito sa peace talks ay wala silang magagawa.

Facebook Comments