Monday, January 19, 2026

Memphis Grizzlies, tinalo ang Brooklyn Nets sa kanilang overtime game

Nauwi sa overtime game ang laro ng Memphis Grizzlies at tinalo ang Brooklyn Nets sa score na 116-111.

Ito ay kahit nagtamo ng injury ang Grizzlies star point guard na si Ja Morant.

Nanguna sa opensa ng Grizzlies si Kyle Anderson na nagtala ng 28 points, 7 rebounds at 3 assist.

Nasayang naman ang naging laro ni Caris LeVert na nakagawa ng 28 points, 4 rebounds at 11 assist.

Hindi naman nakapaglaro para sa Nets ang kanilang dalawang superstar na sina Kevin Durant at Kyrie Irving dahil sa kani-kanilang injuries.

Facebook Comments