MENGAL WOMEN CENTER, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

Pormal nang binuksan sa publiko sa pamamagitan ng Grand Opening ang Mengal Women Center na matatagpuan sa Barangay San Fabian, Echague, Isabela.

Dumalo sa inagurasyon at pagbabasbas sa gusali ang si PMaj. Amy M Dela Cruz, Chief ng WCPD at tagapagsalita ng IPPO na siyang nagrepresanta kay PCol Julio R Go kasama si PMaj. Rogelio C Natividad na hepe ng PNP Echague.

Nagbahagi naman ng makabuluhang mensahe sina Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor, Province of Isabela, Faustino “Inno” Dy V, Congressman 6th District -Isabela at si Hon. Francis Faustino “Kiko” Dy, Municipal Mayor ng Echague, Isabela.

Nagkaroon din ng Memorandum of Agreement o MOA signing sa pagitan ng Local Government Unit at mga partner agencies bago ang unveiling ng marker, ribbon cutting at blessings ng Mengal Women Center.

Ang Mengal Women Center ay itinayo para sa mga kababaihan at mga batang minsan nang naging biktima ng karahasan upang sila ay magkaroon ng seguridad, tahimik at maayos na pamumuhay.

Facebook Comments