Menor de edad, Arestado sa Drug Buybust Operation!

100

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang menor de edad matapos mahuli sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nahuli sa isinagawang drug buybust operation ng PNP San Mateo ang 17 anyos na itinago sa pangalang “Junjun” na residente ng Brgy. 2, San Mateo, Isabela.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops at ang P500.00 na marked money.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments

From Advertisers