Menor de edad at 2 criminology graduates, arestado matapos maaktuhang gumagamit at nagre-repack ng marijuana

Tondo, Manila – Arestado ang isang menor de edad at dalawang criminology graduates sa Tondo matapos maaktuhang gumagamit at nagre-repack ng marijuana.

Nakuha ng mga tauhan ng Manila Police District mula sa mga suspek ang 575 sachet ng marijuana at aabot sa 175 grams ng hindi pa nare-repack na damo.

Aabot sa P6,000 ang halaga ng mga nasabat na droga kung saan mismong may-ari ng Minitel Branch sa road 10, Barangay 106 ang nag-alerto sa pulisya hinggil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek na umupa ng isang kwarto.


Bukod sa tatlong naaresto, dinampot din ang anim na kasamahan ng mga ito na naaktuhang umiinom at humihithit ng marijuana.

Facebook Comments