Menor-de-Edad, Hinold-up sa Naga City, Gamit ng Suspect – Gunting

Nahold-up kagabi, February 7, 2020, sa Barangay Triangulo ang isang minor de edad na kinilalang si Jayjay.
Naganap ang insidente bandang alas 10 ng gabi sa Zone 4 ng nasabing barangay.
Ayon sa report, nakatayo lamang sa harap ng isang tundahan si Jayjay nang nilapitan siya ng 2 suspects at inalok na lumakad kasabay nila. Habang naglalakad, bumunot ng gunting ang isa sa mga suspects at tiutukan ang biktima.
Nakuha mula sa biktimang menor-de-edad ang halagang 2,500 pesos.
Kaagad na tumakas ang 2 holdaper matapos makiuha ang pera ng biktima.
Hindi naman nanghina ang loob ng biktima at kaagad na inireport sa pinakamalapit na himpilan ng police.
Kaagad naman nagresponde ang mga kapulisan at nagsagawa ng operason kung saan nahuli namang kaagad ang dalawang suspect na kinilalang sina Rey Pacheco, edad 27, at Rodolfo Talinod, edad 25 na residente rin ng kaparehong barangay.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspects at inihahanda na ang mga kaukulang kaso.

Facebook Comments