Menor de Edad, Huli sa Pagbebenta ng Marijuana

Cabagan, Isabela- Arestado ang isang binatilyo matapos mahuling nagbebenta ng marijuana sa Barangay Ugad, Cabagan, Isabela dakong alas otso kwarentay singko ng gabi ng Enero 31, 2018.

Sa imbestigasyong ng PNP Cabagan, naaktohan ang suspek na itinago sa pangalang Jek-Jek, 17 anyos at residente ng Barangay Catabayungan, Cabagan na nagbebenta ng marijuana malapit sa isang pampublikong sementeryo matapos isuplong ng isang concened citizen sa tanngapan ng pulisya.

Agad namang rumesponde ang kapulisan ngunit ng mapansin ng suspek ang mga ito ay tinangka umanong tumakas at tumakbo sa sementeryo.


Habang kumakaripas ng takbo si Jek-Jek ay itinapon nito ang dalawang piraso ng nakatuping papel sa gilid ng daan nang eksakto naang makakasalubong ang isang pulis.

Nakumpirma ng PNP Cabagan na ang papel ay naglalaman ng marijuana.

Nadakip ang suspek at agad na dinala sa Milagros District Hospital para ipasuri ang mental at pisikal nitong kondisyon.

Facebook Comments