Menor de Edad, Huli sa Tangkang Pagnanakaw, Droga Nakumpiska!

*San Mateo, Isabela- *Arestado ang isang disi sais anyos na binatilyo matapos matiklo sa tangkang pagnanakaw sa isang stall sa Brgy 1, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, tiklo ang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun-jun”, outh of school youth at residente ng Brgy 4, San Mateo, Isabela sa tangkang pagnanakaw sa isang burger stand na malapit sa tabi ng pambansang lansangan sa naturang barangay.

Nang isailalim sa body search ang suspek ay nakuha mula sa kanyang bulsa ang dalawang stick na hinihinalang marijuana.


Dinala sa San Mateo Police Station ang menor de edad para sa kaukulang dokumentasyon bago iturn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments