Isang kalsada sa Pasig, pansamantalang magiging one way dahil sa gagawing drainage line

Pasig City – Abiso sa mga motorista, magpapatupad ng bagong traffic scheme ang lungsod ng Pasig.

Sa inalabas na abiso, simula March 11, araw ng Lunes, mula alas-nueve ng umaga hanggang alas-diyes ng umaga ang dating ‘two way’ na Pag-asa Street ay magiging ‘one way’ na lamang. Sakop nito ang C. Raymundo Avenue hanggang Nazareth.

Ayon sa Pasig traffic, ito ay dahil sa konstruksyon ng drainage line o daananan ng tubig kanal ng isang establisyemento sa lugar.


Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta na madadaanan.

Inaasahang tatagal ang bagong traffic scheme ng walong buwan.

Facebook Comments