Menor de edad na babae, huli sa isang buy-bust operation sa Taguig City

47

Timbog ang 17-anyos na babae na tulak umano ng iligal na droga sa Taguig City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na menor de edad bilang alyas “Joy”.

Nakuha mula sa kanya ang 35 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P4,200.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Triumph, South Signal, Taguig City, pasado ala-1:30 kahapon ng hapon matapos makumpirma ang iligal na transaksyon ng dalagita kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Itinurn over na ang suspek sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Facebook Comments