Celebrity moms na sina Dianne Medina at Coleen Garcia, nanganak na!

314

Hindi maitago ang saya ngayon ng celebrity moms na sina Dianne Medina at Coleen Garcia.

Pareho kasing isinilang ng dalawa ang kanilang panganay na anak kahapon, September 10.


Ala-1:55 ng madaling araw nang isilang ni Dianne ang panganay nila ni Rodjun na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Habang sa pamamagitan naman ng water birth, isinilang ni Coleen ang kanilang first child ni Billy Crawford sa kanilang bahay sa Quezon City.

Alas-6:33 ng umaga nang i-welcome ni Coleen at Billy ang kanilang baby boy na si Baby Amari.

Kapwa nag-post sa kanilang Instagram account sina Coleen at Dianne ng picture ng kanilang mga baby at nagpasalamat sa Panginoon para sa maayos na panganganak, lalo na ngayong panahon ng pandemya.




Nagpasalamat din ang dalawa sa suporta ng kani-kanilang mga asawa.

Facebook Comments