Menor de edad na dumayo sa Angadanan, Isabela, Timbog sa Buy Bust!

*Angadanan, Isabela-* Arestado ang isang menor de edad matapos kumagat sa inilatag ng operasyon ng mga otoridad pasado alas diyes kagabi sa Centro 1, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog ang umano’y disi sais anyos na lalaki na residente ng Linglingay, Alicia, Isabela matapos bentahan ang isang poseur buyer ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang isang libong piso (P1,000.00).

Narekober pa mula sa pag-iingat ng suspek ang labing anim na folded paper na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana at isang pakete ng sigarilyo.


Dinala na sa himpilan ng PNP Angadanan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa DSWD.

Facebook Comments