*Cauayan City, Isabela*- Naipasakamay na sa kasundaluhan ng 86th Infantry Batallion ang isa sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na kasama sa naganap na engkwentro sa Brgy. Villa Rey, Echague, Isabela kamakalawa.
Kinilala ang binata na si Ka Macoy, 17 anyos, binata, residente ng Brgy. Villa Campo, Echague, Isabela at kasapi ng Regional Sentro de Gravidad ng NPA.
Ayon sa pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente ng Brgy. San Carlos sa nasabing bayan na may isang lalaki ang paglakad lakad na may kahina-hinalang mga bagahe.
Agad namang bineripika ng kasundaluhan ang nasabing impormasyon sa Sitio Binalla, Brgy. San Carlos at kanila ngang nasalubong ang isang lalaki na armado ng baril.
Kaugnay nito, agad na kinumpiska sa pag-iingat ng binata ang isang M16A1, bandolier, backpack na naglalaman ng 4 long magazine ng M16 na puno ng bala, isang anti-personnel mine, 100 meter wire, isang 12 volts na baterya, itim na damit na may tatak ng CPP-NPA, isang ICOM radio, isang binocular, isang jungle pack at mga subersibong dokumento maging personal nitong mga gamit.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Echague ang menor de edad para sa kaukulang disposisyon.