
Inaresto ng National Bureau Of Investigation (NBI) ang isang lalaki dahil sa sekswal na pang-aabuso sa kaniyang dalawang stepdaughter at apat na taong gulang na anak sa San Pablo City, Laguna.
Nag-ugat ang reklamo sa referral letter na natanggap ng NBI mula sa isang non-government organization (NGO) tungkol sa tatlong batang babae na sekswal na sinaktan nang nagkataong stepfather ng dalawang babae at biological na ama ng bunsong babaeng anak nito.
Ayon sa dalawang stepdaughter, na isang 19 at 14 na taong gulang, nagsimula ang insidente noong 2023 habang sila ay naninirahan sa bahay ng kanilang amain sa San Pablo City.
Habang ang kanilang ina ay nagta-trabaho noon bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Kuwait.
Sekswal na binastos sila ng kanilang amain na walang hanapbuhay at karaniwang nangyayari ang pang-aabusong sekswal habang natutulog sila sa kanilang kwarto.
Pinagbabantaan din na papatayin ng kanilang amain ang kanilang ina at lola sakaling sabihin sa kanila ang mga pangyayari.
Habang ang apat na taong gulang na biktima, ang biyolohikal na anak na babae, ay hindi rin nakaligtas sa sekswal na pang-aabuso.
Humingi ng tulong sa NBI ang dalawang stepdaughter dahil ang kanilang apat na taong gulang na kapatid sa ina ay patuloy pa rin sa paulit-ulit na sekswal at pisikal na pananakit mula sa kanilang amain.
Gumagamit din daw ang kanilang amain ng mga ipinagbabawal na gamot.
Kaya naman, nagsagawa ng rescue operation ang NBI-Cavido North noong sa San Pablo City, Laguna.
Dito nailigtas ang biktima at inaresto ang lalaki para sa mga kasong paglabag sa Anti-rape Law at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Expanded Anti-trafficking in Persons Act of 2012 na inihain laban sa lalaki sa prosecutors office ng San Pablo City, Laguna.