Menor De Edad na Sangkot sa Iligal na Droga, Huli sa Roxas, Isabela!

*Roxas, Isabela- *Arestado ang 17 anyos na binatilyo matapos masilbihan ng warrant of arrest bandang 7:30 ng umaga sa Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng Roxas Police station si alyas Ronald, binata at residente ng Brgy San Rafael, Roxas, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ito ay sa ng mandamiento de aresto na ipilabas ni judge Bernabe B Mendoza ng RTC Br 23, Roxas, Isabela kung saan may inilalang piyansa na P200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Dinala na sa kustodiya ng PNP Roxas ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments