Isang Lalaki, Patay Matapos Magulungan ng Bus, Back rider Sugatan!

171

*Cabagan, Isabela- *Agad na binawian ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki habang sugatan ang backrider nito matapos salpukin ng kasalubong na pampasaherong bus sa pambansang lansangan ng Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabaybay ng mga biktima ang lansangan patungong Tuguegarao City lulan ang isang Yamaha Mio nang biglang makasalubong ang bus na minamaneho ni Antonio De Polonia, residente ng Brgy. Pallua Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa report ng PNP Cabagan, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang suspek kaya’t napunta sa kabilang linya at natumbok ang motorsiklo ng dalawang hindi pa matukoy na mga biktima.

Dead on the spot ang driver ng motorsiklo matapos magulungan ng bus habang isinugod naman sa pgamutan ang back rider nito para sa karampatang lunas.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments