Menor de Edad na Top 3 Most Wanted Person, Kalaboso!

104

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng paggunita ngayong undas ay naaresto ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng Cordon, Isabela matapos itong silbihan ng kanyang warrant of arrest ganap na alas 10:00 kaninang umaga sa brgy. San Juan sa nasabing bayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, ang akusado na itinago sa pangalang ‘Junjun’, 14 anyos na residente ng Brgy. San Juan, Cordon, Isabela ay nahaharap sa kasong panggagahasa.

Siya ay hinuli sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Nicasio Bautista III ng RTC 2nd Judicial Region Branch 21, Santiago City.

Ang kaso ng 14 anyos na akusado ay may kaukulang piyansa na halagang isang daan at dalawampung libong piso (P120,000.00).

Dinala na sa himpilan ng PNP Cordon ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments