Pampasaherong Bus, Sumalpok sa Puno nang Umiwas sa Kasalubong na Van!

584

Cauayan City, Isabela- Masuwerteng walang namatay o nasugatan sa anim na natirang pasahero ng isang pampasaherong bus na galing ng Metro Manila matapos umiwas sa kasalubong na van sa pakurbang bahagi ng daan sa Brgy. Masical, Sto.Nino, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Sto.Niño, papunta na sa kanilang terminal sa nasabing bayan ang bus nang mangyari ang insidente.


Minabuti na lamang umano ng drayber ng Dalin Bus Liner na may plakang 024410 na si Gilbert Borley, 49-anyos, na ibangga sa puno ang kanyang minamaneho upang hindi sumalpok sa kasalubong na van.

Wala namang naitalang nasugatan sa anim na natirang pasahero kabilang ang ku ndoktor at drayber ng bus.

Agad namang rumesponde ang BFP at PNP Sto. Niño para tulungan ang mga pasahero at nasabing bus na nakabalagbag sa gitna ng kalsada.

Facebook Comments