Menor de Edad na Tulak ng Droga sa Tuguegarao City, Patay Matapos Manlaban sa Kapulisan!

142

Tuguegarao City, Cagayan – Patay ang menor de edad na tulak ng droga matapos manlaban sa ikinasang drug buy bust operation ng mga kapulisan kahapon sa Brgy. Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ni kasamang Evangelyn Malana, ang RMN Correspondent sa Tuguagarao City, kinilala ang suspek sa pangalang Peri Alcantara, labing pitong taong gulang at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa pangyayari, matapos umano na nakapagbenta si Peri ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer at nang sinabihan na sumurender ito ay bigla umanong bumunot ng baril ang suspek na dahilan upang inunahan na ng mga kapulisan na barilin si Alcantara.

Sa resulta ay napuruhan ng tama ng bala sa dibdib ang suspek na dahilan rin ng kanyang agarang kamatayan sa kabila na nagresponde ang Rescue 1111.

Samantala ang operasyon ay sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng mga elemento ng Tuguegarao City Police Station, Regional Drug Enforcement Unit at PRO2 sa pangunguna ni Police Superintendent George Cablarda.

Facebook Comments

From Advertisers