Menor de edad, nabaril ng security guard matapos magnakaw

137

General Santos, Philippines – Sugatan ang isang 15-anyos matapos itong nabaril ng security guard ng isang shipping line dito sa lungsod ng gensan matapos itong nahuling nagnakaw.

Ang bitkima ay itago lang sa pangalang alias Omar, residente nitong lungsod.


Alas-9:00 ng gabi habang nag-roving ang guwardyang si Jocino Palapan, guwardya ng solid lines na nasa Makar barangay Labangal, nakita nito ang tatlong menor de edad na karga-karga ang isang roll ng nylon habang papalabas ng nasabing kompanya.

Nang sya’y makita, bumunot umano ng improvised pistol ang isa sa tatlong minor kaya inunahan na ito ng suspek.

Limang sugat ang natamo ng nasabing menor de edad na agad na dinala sa ospital matapos ng insidente, habang si Palapan naman ay agad na sumuko ng police station 2.
DZXL558,Rose Sioco

Facebook Comments