3-Indonesian national, inaresto ng pulisya sa Sarangani province

General Santos, Philippines – Nasa kustudiya parin ngayon ng Glan Municipal Police Station ang tatlong mga Indonesian national na kanilang inaresto noong sabado itoy matapos na nakapasok ng bayan ng glan, sarangani na walang kaukolang dukumento.

Kinilala ni PCI Neil Wadingan, hepe ng Glan PNP ang nasabing mga Indonesian national na sina Janis Mangali, 23, Jeck Laune, 55, at Michael Manahampi, 39.

Sinabi ni PCI Wadingan na nakatanggap sila ng report mula sa mga residente ng Prk. Eusteque, Barangay Small Margus Glan, na nagsasabi na mayroong mga Indonesian national sa nasabing lugar na naging positibo naman ang report.


Dahil dito sila’y inimbitahan ng Glan PNP matapos walang ipinakitang dukumento.

Agad naman silang itinurn-over sa Bureau of Immigration pero dahil wala silang facility na lalagyan sa tatlo, sila’y inilagay lang muna sa custody ng Glan PNP.
DZXL558, Rose Sioco

Facebook Comments