Menor de Edad, Nagbigti Matapos Sermunan ng Kanyang Ina

631

*Cauayan City, Isabela*- Hindi makapaniwala ngayon ang isang ina matapos nitong sermunan ang kanyang anak na humantong sa pagpapakamatay nito sa Brgy. Natappian West, Solana, Cagayan.

Itinago sa pangalang Junjun ang biktima, 17 anyos na residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng PNP Solana, nadiskubre ng pinsan ng biktima ang nakabiting katawan nito gamit ang isang nylon cord sa mismong bahay ng kanyang lolo.

Una rito, sinabi ng biktima sa kanyang ina bago umalis sa kanilang bahay na magbibigti ito matapos masabihan ng ina dahil sa kinuhang (P100.00) sa kanilang tindahan kamakalawa.

Hindi naman sineryoso ng pamilya ang banta ng bata dahil sa pag aakalang nagbibiro lamang ito.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya nang mangyari ang insidente.



Facebook Comments