8-anyos, patay matapos uminom ng tubig mula sa maruming inidoro

HILLTOP, West Virginia – Nasawi ang 8-anyos na babae matapos magkaroon ng sepsis dahil sa pag-inom ng tubig mula sa maruming inidoro.

Nakaraang Linggo lamang nang madakip ang mga itinuturong suspek na mismong ama ng bata na si Marty Browning, 34; stepmother na si Julie Dawn Titchenell-Browning, 36; at ang kapatid nitong si Sherie Titchenell,35.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtamo rin ng punit sa tumbong, pasa at paso sa ilang bahagi ng katawan si Raylee Jolynn Browning na nauwi sa agaran nitong pagkamatay noong Disyembre nakaraang taon.


Sa inilabas na pahayag ng hindi pinangalanang anak ni Julie, na-grounded umano ang biktima ng tatlong araw at hindi pinayagan ng mga suspek na uminom ng tubig.

“I caught her drinking from the toilet a few times, and I feel that she got that infection from that water. I told her that the water was dirty, but I guess she was just so thirsty,” aniya.

Makailang-ulit din daw na pinapalo ng sinturon at bakal si Raylee at pinatutulog sa sahig sa tuwing nakakaihi sa kama.

Naiulat din na noong araw bago ang pagkamatay ng bata ay nanatili ito sa kwarto na puro sex toys at martilyo.

Nasikubre kinalaunan na biktima ng medical child abuse si Raylee na noo’y mayroong pitong gamutan para sa severe autism at mood disorders.

Samantala, hinatulan na ng kaso ang tatlong suspek kabilang na ang stepmother na kakapanalo lang ding Miss Oak Leaf 2019 na agad namang binawi dahil sa krimen.

Inihanda na rin kung kailan haharap sa korte ang tatlo.

Facebook Comments