MENOR DE EDAD, NALUNOD HABANG NANGINGISDA SA BAYAMBANG

Nauwi sa hindi inaasahan pangyayari ang sana lamang ay pangingisda ng mag-lolo sa bayan ng Bayambang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa fishpond ang lolo at kanyang apo para mangisda sa bahagi ng Brgy Nalsian Norte.Pansamantalang iniwan ang kanyang apo upang ipagpatuloy ang shellfish harvest nito nang biglang nawala ang bata.
Agad itong pinaghahanap ng mga kaanak kasama ang awtoridad bagamat nang matagpuan ay wala na itong buhay.
Itinakbo pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang maaaring pagkalunod ang kinokonsiderang sanhi ng pagkasawi ng biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments