MENOR DE EDAD, NASAWI SA PAGKALUNOD SA BUED RIVER SA SISON

Isang malagim na insidente ang naganap matapos malunod ang isang menor de edad sa Bued River sa Brgy. Agat, Sison na nauwi sa kanyang pagkasawi sa kabila ng agarang pagsagip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, agad rumesponde ang mga pulis matapos matanggap ang report ukol sa pagkalunod. Hindi nagdalawang-isip ang mga ito na lumusong sa malalim na bahagi ng ilog upang hanapin ang biktima.


Matapos ang masusing search and rescue operation, natagpuan ang bata na residente ng La Union at agad nilapatan ng paunang lunas bago isinugod sa ospital. Gayunpaman, idineklara ito nasawi.


Ang insidente ay muling nagbigay-diin sa panganib na dulot ng pagligo sa mga ilog, lalo na sa mga kabataan na nangangailangan ng mahigpit na pagbabantay mula sa mga nakatatanda.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kapulisan sa pamilya ng nasawing bata, kasabay ng paalala sa publiko na maging mapagmatyag at unahin ang kaligtasan upang maiwasan ang ganitong uri ng trahedya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments