Menor de edad, patay matapos masabugan ng boga sa Iloilo

Iloilo City – Patay ang isang menor de edad matapos masabugan ng boga sa Barangay Mayang, Tubungan sa Iloilo.

Sa report ng pulisya, naglalaro lang sa kusina ng kanilang bahay ang biktima na itatago sa pangalang EJ, siyam na taong gulang at ang dalawang taong gulang niyang kapatid nang magalaw umano ang boga at isang paputok na pag-aari ng kanilang ama na si Efren Tamamillo.

Dito na sumabog ang boga at tinamaan ang ulo ng siyam na taong gulang na biktima.


Maswerte namang nakaligtas ang dalawang taong gulang niyang kapatid.

Facebook Comments