Cauayan City, Isabela – Inaresto kahapon ang menor de edad makaraang nagnakaw ng mamahaling cellphone sa Purok 7D, Villarta Street, District 1, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang nanakawan ng cellphone na si Caroline Abordoa Corpuz, dalawampu’t tatlong taong gulang, dalaga at ressidente ng nabanggit na lugar habang ang suspek ay itinagao na lamang sa pangalang Jun-jun, labin pitong taong gulang, hindi nag-aaral at residente rin ng Cuayan City, Isabela.
Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan ay nabatid umano ng biktima na nawawala na ang kanyang cellphone matapos na inilapag lamang umano sa loob ng kanyang kwarto.
Dahil dito ay nagtungo agad sa malalaking shop ng cellphones si Corpuz at sinabi sa mga ito na kung sakaling may magtinda sa kanila ng cellphones ay tawagan lamang ang kanyang numero.
Hanggang sa ipinaabot sa biktima ng isang saleslady ng Talavera Hypermarket na may nagdala ng cellphones at pinatatanggal ang password nito.
Hindi umano nag-atubili si Corpuz at dito ay nakilala niya ang kanyang sariling cellphones kung saan ay bumalik naman umano ang nagdala ng cellphone at matagumpay na nahuli si Jun-jun.
Inihahanda na ang kasong pagnanakaw ng menor de edad at nakatakdang dalhin sa tanggapan ng DSWD Cauayan City.