Menor de Edad sa Cauayan City na Nasamsaman ng Kanyang Ina ng Marijuana, Isinuko sa PNP Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Isinuko ng sariling ina sa tanggapan ng PNP Cauayan ang isang menor de edad matapos nitong makitang nag-iingat ang kanyang anak ng marijuana sa kanilang bahay sa Brgy. Marabulig 2, Cauayan City dakong alas dos ng hapon, Nobyebre 18, 2018.

Ang suspek ay itinago sa pangalang “Bryan”, 16 anyos, walang asawa, estudyante, at residente naman sa naturang barangay.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan na isinuko ng mismong ina nito sa tanggapan ng PNP si Bryan matapos makuhanan ng marijuana na nakabalot sa cigarette foil at itinatago pa sa loob ng kanilang bahay.


Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng PNP Cauayan si Bryan na nakatakda namang isailalim sa pagpapasiya ng pag-intindi at sa inquest proceedings.

Facebook Comments