Ginahasa ang Menor de edad sa Lingayen noong bisperas ng Pasko matapos mangaroling.
Ayon kay PLtCol Amor Mio Somine, Chief of Police ng Lingayen PNP, base sa ulat ng ina ng biktima, naganap ang insidente bandang alas-10 ng gabi noong 24 ng Disyembre.
Pauwi na ang dalagita kasama ang dalawa pang kaibigan nang alukin ng dalawang lalaki na ihatid pauwi gamit ang isang motorsiklo.
Iniwan ang biktima kasama ang isa pang kaibigan at ang suspek. Nang sila na lamang ang natira, imbes na ihatid sa bahay, dinala ang dalagita sa gilid ng dagat sa Libsong East, Lingayen, kung saan naganap ang krimen.
Matapos ang insidente, nakatanggap ang suspek ng tawag mula sa kakilala, na nagsabing kaanak nila ang biktima. Dahil dito, nagawa pang ihatid ng suspek ang dalagita sa kanilang bahay sa Brgy. Balococ.
Kinilala ang suspek bilang si Roniel Alcantara Gamboa, 18 anyos na residente ng Brgy. Balococ sa bayan.
Samantala, nagbigay ng 24-oras na ultimatum ang alkalde ng Lingayen sa pagtugis sa suspek.
Inihahanda na ang kasong Statutory Rape laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨